|
||||||||
|
||
Suspect sa pagpatay sa isang transgender, nadakip na
ABALA ang mga pulis ng Olongapo City sa paghahanap sa isang pinaniniwalaang banyagang may kinalaman sa pagpaslang sa isang bakla sa isang hotel noong Sabado ng gabi.
Ayon sa mga balitang lumas sa media, napaslang ang isang Jeffrey Laude, 26 na taong gulang at isang taga-West Tapinac. Pumasok umano ang biktima at ang puting suspect sa isang model mga 11:30 ng gabi noong Sabado. Umalis ang sinasabing banyaga matapos ang ilang minuto. Ayon sa pulisya, nakita ng mga kawani ng hotel ang suspect na umalis sa silid at naiwang bukas ang pinto.
Sinilip ng isang kawani ang silid at buong akala ay walang anumang naganap. Bumalik siya ng mga 11:45 ng gabi at natagpuang patay na ang biktima na diumanong binigti hanggang sa mamatay.
Ayon sa isang saksi, nagkakilala ang biktima at ang suspect sa isang disco sa Olongapo bago ng alas-onse ng gabi. Nagpasama pa umano ang biktima at suspect sa pagpasok sa hotel.
Sa pagdating sa hotel, sinabihan na siya ng biktima na umalis na bago madiskudre ng banyagang siya'y bakla. Ayon sa kaibigan ng biktima ang suspect ay mayroong maputing kutis na marine-style na gupit, mga 5'8 hanggang 5'10 ang taas at mula 25 hanggang 30 taong gulang.
Ayon sa kapatid ng biktima, malaki ang posibilidad na American serviceman ang may kagagawan ng pagpaslang. Wala pang pahayag ang Embahada ng America sa Maynila sa balitang lumabas.
Samantala, isang kawal ng US Marines ang nasa kanilang pag-iingat kasunod ng pagpaslang sa isang transgender sa Olongapo City noong Sabado ng gabi.
Bagama't hindi kinilala ang Marine, hindi siya makakababa ng barkong Peleliu samantalang may pagsisiyasat ang Naval Criminal Investigative Service sa naganap sa isang hotel sa Olongapo City. Ito ang nabatid sa isang internal Navy memo na nakuha ng Marine Corps Times. Sinisiyasat na rin ng pulisya ng Pilipinas ang insidente.
Nakatalaga ang kawal sa 2nd Battlion, 9th Marines mula sa Camp Lejeune, North Carolina. Ang mga kawal ng 9th Marines ay nasa Pilipinas bilang bahagi ng joint training exercise.
Tatlong iba pang Marines na sinasabing maaaring maging saksi ang hindi pinabababa ng barko, ayon sa memorandum na ikinalat sa mga senior navy officials at maging sa NCIS at State Department personnel.
Tumanggi ang mga opisyal ng Marine Corps sa Pentagon na magpahayag at inatasan ang Marine Corps Times na makipag-alam sa US Embassy sa Maynila. Pinaghahandaan na rin ang mga protesta sa pagkalat ng balita.
Libu-libong mga kawal ang nasa Pilipinas para sa PHIBLEX 15, isang multi-national exercise. Ang Peleliu ay nasa port call sa Subic Bay na magtatagal hanggang bukas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |