Ang Yellow River ay nagsisilbing pinanggagalingan ng sibilisayon ng Nasyong Tsino. Bago maitatag ang Republikang Bayan ng Tsina, dahil madalas bumaha ang Yellow River, apektado ang mga mamamayan sa magkabilang pampang ng ilog ng kapahamakang dulot ng baha. Matapos ang pagkakatatag ng bagong Tsina, lubos na pinahahalagahan ng Komite Sentral ng CPC ang gawaing pagpigil sa baha at paggagalugad sa Yellow River.
Bilang isa sa 156 na proyoridad na proyekto ng estado, noong taong 1975, naitatag at nagsuplay ng koryente ang Liujiaxia Hydroelectric Power Station sa main stream ng Yellow River.
Ito ay hindi lamang kauna-unahang million kilowatt hydroelectric power station sa Tsina na may karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip sa pagdesenyo, paggawa at pamamahala, kundi isang water project rin sa main stream ng Yellow River na isinabalikat ang pagsuplay ng koryente tungo sa lalawigang Shanxi, Gansu at Qinghai, pagpigil sa baha, irrigation, pagpigil sa ice run, transportasyon, aquatic farming at iba pa. Nakikinabang ang mga mamamayan sa magkabilang pampang ng Yellow River mula sa proyektong ito.