Ipinahayag kahapon ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, na noong unang 3 kuwarter ng taong ito, umabot sa 2.13 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN, at ito ay lumaki nang 6% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Ito ay binubuo nang 11% ng kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina.
Ayon pa rin sa datos ng adwana ng Tsina, noong unang 3 kuwarter ng taong ito, ang ASEAN ay ika-3 pinakamalaking trade partner ng Tsina, sinusunod lamang sa Unyong Europeo at Amerika.
salin:wle