Noong ika-2 kuwarter ng kasalukuyang taon, may kabilisang lumaki ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN kumpara sa unang kuwarter. Ipinahayag ng mga personahe at ilang diplomata ng ASEAN sa Tsina, na dapat patuloy na pahigpitin ng mga bahay-kalakal ng Tsina at ASEAN ang kooperasyon, pabutihin ang estruktura ng kalakalang panlabas, at hanapin ang bagong growth point ng kalakalan at pamumuhunan.
Ayon sa estadistika ng adwana, noong ika-2 kuwarter ng taong ito, 115.473 bilyong dolayares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN. Ito ay lumaki ng 9.74% kumpara doon sa unang kuwarter. Noong unang hati ng taong ito, lumaki ng 4.8% ang kabuuang halaga ng kanilang kalakalan kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ang bilang na ito ay mas mataas kaysa karaniwang paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina.
Salin: Vera