Ayon kay Chen Zhou, director ng Asian Department ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na noong unang hati ng taong 2014, umabot na sa mga 220.6 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalang Sino-ASEAN na lumaki nang 4.8% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Hanggang noong ika-30 ng nagdaang Hunyo, umabot na sa 120 bilyong dolyares ang kanilang bilateral na pamumuhunan. Kabilang dito, ang pamumuhuan ng mga bansang ASEAN sa Tsina ay mga 80 bilyong dolyares, samantalang, umabot sa 40 bilyong dolyares ang pamumuhunan ng Tsina sa mga bansang ASEAN.