Ayon sa ulat kahapon ng Mehr News Agency (MNA), iniharap nito ang ulat ni Abbas Araqchi, Pangalawang Ministrong Panlabas sa parliamento ng Iran na nagsabing nakahanda ang Amerika na magkompromiso ang Amerika para sa isyung nuklear ng Iran, at pinahihintulutan nitong ibaba ng Iran ang paggawa nito ng 4000 centrifuge ng enerhiyang nuklear.
Sinipi ng ulat na ito ang sinabi ng isang myembro ng parliamento ng Iran. Pero, hindi pa kinumpirma ang ulat na ito ng pamahalaan ng Iran.
Sa kasalukuyan, may halos 19,000 centrifuge sa Iran. Nauna rito, ipinahayag ni Ali Khamenei, kataas-taasang lider ng Iran na kinakailangan ng Iran ang 190,000 centrifuge sa hinaharap.
salin:Wle