Sa ika-27 ng Oktubre, isang serye ng pulong na pangkooperasyon ang idaraos ng Tsina at Singapore sa Suzhou, lunsod ng lalawigang Jiangsu sa dakong silangan ng Tsina.
Kabilang sa mga pulong ay Ika-11 Pulong ng Magkasanib na Lupong Pangkooperasyon ng Tsina at Singapore, Ika-16 na Pulong ng Konsehong Pangkoordinasyon ng China-Singapore Suzhou Industrial Park at Ika-7 Pulong ng Konsehong Pangkoordinasyon China-Singapore Tianjin Eco-City.
Sa paanyaya ni Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina, dadalaw sa Tsina si Teo Chee Hean, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore mula ika-26 hanggang ika-28 ng buwang ito. Magkasamang mangungulo sa nasabing mga pulong ang dalawang pangalawang punong ministro.
Ipinatalastas ito ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon kahapon.
Salin: Jade