Ang Lunar Probe Project ng Tsina ay masasabing ikatlong muhon ng programang pangkalawakan ng bansa kasunod ng paglulunsad ng manmade satellite at pagsasagawa ng manned spaceflight.
Noong 2004, opisyal na pinasinayaan ng Tsina ang Lunar Probe Projet na tinaguriang Chang'e Project. Binubuo ang proyektong ito ng tatlong yugto na kinabibilangan ng unmanned lunar probe, paglapag sa buwan ng tao at pagtatayo ng base sa buwan.
Noong ika-24 ng Oktobre, 2007, ang Chang'e 1, unang lunar probe satellite ang napaimbulog ng Tsina. Noong ika-1 ng Oktubre, 2010, ang Chang'e 2 ay nailunsad at naisagawa ng takdang misyon.
Noong ika-2 ng Disyembre, 2013, nailunsad ang Chang'e 3 at noong ika-14 ng buwang iyon, nakalapag ang prober sa takdang lugar sa ibabaw ng buwan. Dahil dito, ang Tsina ay naging ikatlong bansa na nakalapag sa celestial body bukod sa planetang mundo, kasunod ng Soviet Union at Estados Unidos. Noong ika-15 ng buwang iyon, matagumpay na nakumpleto ng lander at rover ng Chang'e 3 ang misyon nila. Ipinakita rin nito ang pagtatapos ng pangalawang yugto ng programang pangkalawakan ng Tsina.
Salin: Jade