Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kahalagahan ng heritage sites sa kasaysayan at bansa, hindi matatawaran

(GMT+08:00) 2014-10-27 18:22:49       CRI

ANG pagpapanatili ng mga gusali at mga pook na may kasaysayan sa bansa ay isang hakbang upang mabigyang halaga ang nakalipas at higit na maunawaan ng mga susunod na salinglahi.

Ito ang pananaw ni Gng. Gemma Cruz-Araneta, dating Kalihim ng Turismo at Miss International noong 1964. Ayon kay Gng. Araneta, pinuno ng Heritage Conservation Society, ang mga makasaysayang mga pook at gusali na kinabibilangan ng mga simbahan ay bahagi ng pagpapayabong ng kultura.

Sa panig ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, may kaukulang batas na ipinatutupad ang pamahalaan upang mapanatili ang mga pook na ito at maiwasan ang tuluyang pagkasira ng mahahalagang saksi sa kasaysayan.

Para kay Ginoong Edison Moladina, mayroong apat na simbahang mahalaga sa kultura at kasaysayan ng bansa dahilan sa pagpapahalaga at kakayahan ng mga Filipino noong nakalipas na mga daang-taon na bigyang buhay ang baroque architecture sa Miag-ao (Sto. Tomas de Villanueva), Iloilo, sa Santa Maria (Nuestra Senora dela Asuncion) at Paoay (San Agustin) sa Ilocos at ang San Agustin Church sa Intramuros. Idinagdag pa ni G. Moladina, na lumabas ang galing ng mga manggagawang Filipino sapagkat naitayo nila ang mga simbahan ng walang mga larawan maliban sa pagkukwento ng mga prayle kung ano ang hugis ng mga simbahang ito.

Idinaing naman ni G. Roberto S. Sylianteng ng Escolta Business Association na matagal nang naghihingalo ang mga kalakal sa Escolta na dating para sa mga matataas sa lipunan sapagkat napupuno na ng mga kabataang gumon sa droga. Wala na kundiman bibihira na ang mga nangangalakal sa pook na noo'y para sa mga alta de sociedad.

Sinabi naman ni Dr. Renato Solidum, Jr. ng Phivolcs na kailangang pag-aralan ang mga lupang pagtatayuan ng mga gusali sapagkat iba't ibang uri ng lupa sa Metro Manila. May mga pook na adobe at buhangin, depende sa lapit sa karagatan.

Sa Maynila ay maaaring umabot sa 30 talampakan ang buhangin samantalang sa Mandaluyong at Quezon Cities ay adobe naman ang matatagpuan.

Sa larangan ng disenyo, sinabi ni Architect Raj Busmente na malaking hamon sa mga kabataang arkitekto na magdisenyo ng mga gusali at tahanang angkop sa mga katotohanan tulad ng sama ng panahon, lindol at mga daluyong.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>