Pagkaraan ng ika-4 na Sesyong Plenaryo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), inilabas ang isang kapasiyahan hinggil sa pagpapasulong sa pamamahala sa bansa batay sa batas. Anang kapasiyahang ito, puspusang susugpuin ng Tsina ang mga aksyong pribilehiyodo.
Tinukoy ng kapasiyahan na ang Saligang Batas ng Lapian ay pinakapundamental na regulasyon ng CPC at mas mahigpit ito kaysa sa batas ng bansa. Anito, dapat itong mahigpit na sundin ng mga organisasyon at miyembro ng CPC.
Ayon pa sa kapasiyahan, dapat tutulan at mapagtagumpayan ang formism, bureaucratism, hedonism, at extravagance. Dapat malalim na isagawa ang gawain hinggil sa konstruksyon ng malinis na administrasyon at paglaban sa korupsyon, at mahigpit na parusahan ang mga aksyon o tao na may kinalaman sa korupsyon.
Tinukoy ng kapasiyahan na dapat pataasin ang kakayahan ng pag-iisip at pagsasagawa ng mga gawain ng mga lider ng CPC alinsunod sa batas, at mga lider na karapatdapat ay mapataas ang katungkulan, maging ang mga may kakayahan sa pagsasagawa ng gawain alinsunod sa batas.
Salin: Andrea