Ipinahayag kamakailan ni Lian Weiliang, Pangalawang Direktor ng Pambansang Komisyon ng Tsina sa Pag-unlad at Reporma na ang kanyang komisyon, bilang isang organo ng Konseho ng Estado ng Tsina na namamahala sa macro control at pagpapasulong ng reporma sa mekanismong ekonomiko, dapat unang ilipat ang tungkulin, partikular na, ilipat ang tungkulin ng pagpapatibay ng mga programa ng pamumuhunan sa mababang antas at paliitin ang saklaw ng presyong itinakda ng pamahalaan, nang sa gayo'y, lubos na mapatingkad ang papel ng pamilihan.
Ayon sa "Kapasiyahan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Ilang Mahahalagang Isyu Hinggil sa Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma" na sinuri at pinagtibay ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC, gawing puwersang panulak ng reporma sa mekanismong ekonomiko, kaugnay nito, ipinahayag ni Lian sa isang news briefing sa mga mamamahayag mula sa loob at labas ng bansa na pagpasok ng taong ito, kinansela at inilipat na ng konseho ng estado ng Tsina ang administratibong pagsusuri at pagpapatibay ng 334 programa sa mababang antas, kabilang dito, kinansela at inilagay na sa mababang lebel ng Pambansang Komisyon ng Tsina sa Pag-unlad at Reporma ang 44.
Ipinahayag pa ni Lian na ibayo pang palalalimin ng kanyang komisyon ang reporma sa administratibong pagsusuri at pagpapatibay. Igigiit nilang hindi pagtitibayin ng pamahalaan ang mga aktibidad na ekonomikong puwedeng isaayos ng pamilihan; hindi pagtitibayin ng pamahalaan ang mga poyekto ng pamumuhuan ng kompanya kung walang kinalaman sa pambansang seguridad, kaligtasang ekolohikal, pagdedeploy ng pangunahing produktibong lakas, paggalugad sa estratehikong yaman o may kinalaman sa pangunahing interes at kapakanang pampubliko; para sa mga proyektong kailangan-kailangang pagtibayin, kung mas maginhawa at mas mabisang mahahawakan ito ng mga organong lokal o sa mababang antas, direktang ilipat ang kapangyarihan sa organong lokal o mababang antas.
Samantala, tinukoy din ni Lian na dapat aktibo, pero, matatag na pasusulungin ang reporma sa mga produktong pang-enerhiyang may mahigpit na kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan tulad ng langis, koryente, natural gas at iba pa. Habang iginagarantiya ang pagkapantay-pantay ng pamumuhay ng mga mamamayan sa tulong ng multi-step tariff, ang presyo ng bahaging may kinalaman sa konsumo ng aktibidad na komersyal ay pagpapasiyahan ng pamilihan.