|
||||||||
|
||
Binigyang-diin kahapon ni Wang Qishan, Miyembro ng Standing Committee ng Pulitbuto ng Komite Senrtal ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kalihim ng Central Discipline Commission CPC, na patuloy na igigiit ng CPC ang paglaban sa korupsyon at konstruksyon ng malinis na takbo ng Partido.
Si Wang Qishan, Miyembro ng Standing Committee ng Pulitbuto ng Komite Senrtal ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kalihim ng Central Discipline Commission CPC
Sa pagbubukas kahapon sa Beijing ng ika-4 na Sesyong Plenaryo ng Central Discipline Commission, ipinahayag ni Wang na malubha pa rin ang hamon na dulot ng korupsyon.
Sinabi pa ni niyang ang paglaban sa korupsyon at konstruksyon ng malinis na tabko ng Partido ay dapat isagawa, alinsunod sa mga kapasiyahan na pinagtibay ng katatapos na Sesyong Plenaryo ng Komite Sentral ng CPC.
Hiniling ni Wang sa mga opisyal ng CPC na dapat mahigpit na sundin ang mga tadhana ng partido at batas ng bansa.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |