JAKARTA, Xinhua—Nagtagpo kahapon sina Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina at Retno Marsudi, Ministrong Panlabas ng Indonesia.
Nakahanda silang ibayo pang pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Upang mapasulong ang mga pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at Indonesia, iniharap ni Wang ang siyam na mungkahi. Una, simulan ang pagtutulungang pandagat na may kinalaman sa pagtatayo ng mga daungan, pangingisada, paggagalugad ng langis at natural gas, at pananaliksik na pandagat. Ikalawa, pasulungin ang pagtutulungan sa imprastruktura na kinabibilangan ng lansangan, daambakal, paliparan, tulay, istasyon ng koryente. Ikatlo, pasulungin ang pagtutulungan sa pagtatayo ng industrial parks. Ikaapat, pahigpitin ang pagtutulungan sa paggagalugad sa likas na yaman at enerhiya. Ikalima, palakasin ang pagtutulungan sa pagkain-butil para matiyak ang food security ng dalawang bansa. Ikaanim, pahigpitin ang pagtutulungan sa hay-tek para mapasulong ang kakayahan ng dalawang bansa sa sarilinang pananaliksik at pagdedebelop (R&D). Ikapito, pasulungin ang pagtutulungang pandepensa at pagtutulungan sa pakikibaka laban sa terorismo. Ikawalo, pahigpitin ang pagpapalitang di-pampamahalaan. Ikasiyam, pahigpitin ang pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Sinang-ayunan ni Marsudi ang mga mungkahi ni Wang. Ipinahayag din niya ang kahandaang pasulungin ang mga pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa at ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Pagkatapos ng pagtatagpo, magkasamang humarap sa mga mamamahayag ang dalawang ministrong panlabas.
Salin: Jade