JAKARTA, Xinhua-Kinatagpo kahapon ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesiya si Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag ni Joko ang kanyang pananabik sa paglahok sa Pulong ng mga Lider ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na idaraos mula ika-11 hanggang ika-12 ng Nobyembre.
Tinukoy rin ni Joko na pinaplano ng Indonesiya na itatag ang malakas na bansa sa kaunlarang pandagat samantalang iniharap ng Tsina ang mungkahi ng pagtatatag ng Maritime Silk Road para sa Ika-21 Siglo. Ipinakikita aniya nitong maaaring maisagawa ng dalawang panig ang pragmatikong pagtutulungang pandagat. Idinagdag pa ng pangulong Indones na nakahanda ang Indonesiya na pasulungin ang konstruksyon ng imprastruktura at inaasahan niya ang pagtulong dito ng Tsina.
Ipinahayag naman ni Wang ang mainit na pagtanggap kay Joko sa paglahok sa gaganaping APEC Meeting. Ipinagdiinan din niyang bilang isang malaking umuunlad na bansa na may malaking potensyal sa pag-unlad, ang Indonesia ay nagsisilbing priyoridad ng diplomasya ng Tsina. Nakahanda aniya rin ang Tsina na pasulungin ang pagtutulungang pandagat ng dalawang bansa.
Salin: Jade