"Palaging iginigiit ng Tsina ang prinsipyong di-pakikialam sa mga suliraning panloob ng Ukraine at nagbibigay-galang sa soberanya at kabuuang teritoryo ng bansa." Ito ang ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa local election sa Donetsk at Luhansk, dalawang lalawigan sa silangan ng Ukraine.
Ipinahayag ni Hua ang pag-asang magtitimpi ang ibat-ibang paksyon sa Ukraine, pahahalagahan ang tigil-putukang di-madaling natamo, maayos na hahawakan ang mga alitan sa pamamatigan ng diyalogo, para magkasamang pasulungin ang kalutasang pulitikal sa krisis.