Ipinahayag kahapon ng tanggapan ni Yinluck Shinawatra, Punong Ministro ng caretaker government ng Thailand na lumisan si Shinawatra ng Bangkok. Sa kasalukuyan, siya ay nasa isang lugar na 150 kilometro na layo mula sa kapital.
Sinabi ni Surapong Tovichakchaikul, Ministrong Panlabas ng Thailand na mangungulo si Shinawatra ng pulong ng gabinete ngayong araw, pero, posibleng sa labas ng Bangkok. Hindi niya alam ang kinaroroonan ni Shinawatra. Ayon sa itinakdang plano, tatanggapin ng punong ministro ang imbestigasyon hinggil sa korupsyon sa Bangkok sa ika-27 ng buwang ito.
Tuloy pa rin ang demostrasyong laban sa pamahalaan ng Thailand.
salin:wle