Pagkatapos ng kanyang pakikipag-usap kay Pangulong Barack Obama ng Amerika, lumisan kaninang hapon ng Beijing papuntang Myanmar si Premyer Li Keqiang ng Tsina, para pasimulan ang isa pang biyaheng diplomatiko doon.
Sa biyaheng ito, lalahok si Li sa isang serye ng mga pulong ng mga lider ng kooperasyon ng Silangang Asya, at pormal na dadalaw sa Myanmar. Ipinalalagay ng tagapag-analisa na ibayo pang palalalimin ng naturang biyahe ang relasyon ng Tsina sa ASEAN at Myanmar, at pasusulungin ang kooperasyon ng rehiyon ng Silangang Asya. Mahalaga rin ang katuturan nito para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Vera