Ipinahayag kahapon ni Oleg Voronov, Pangalawang Puno ng Sentro ng Pambansang Pangangasiwa sa Krisis ng Ministri ng Situwasyong Pangkagipitan ng Rusya na makaraang dumaan sa pagsusuri ng adwana ng Ukraine, ang ikawalong batch ng materyales na humanitaryan mula sa Rusya ay naihatid sa Ukraine nang araw ring iyon.
Ayon sa Interfax, ito ang kauna-unahang batch ng materyales na humanitaryan mula sa Rusya na dumaan sa pagsusuri ng adwana ng Ukraine. Pero, itinanggi ito ng Ukraine.
Sinabi ni Andriy Lysenko, Tagapagsalita ng Pambansang Konseho sa Seguridad at Depensa ng Ukraine, na dahil hindi nakilahok ang International Committee of the Red Cross (ICRC) sa pag-oorganisa sa paghahatid ng Rusya ng materyales na humanitaryan, hindi dumaan sa pagsusuri ng adwana ng kanyang bansa ang nasabing materyales mula sa Rusya. Idinagdag pa niyang ang karamihan sa naturang materyles ay sandata at amunisyon.
Salin: Jade