BRUSSELS—Nagpulong kahapon ang Konseho sa Enerhiya ng Unyong Europeo (EU) at Amerika. Ipinahayag nila ang kahandaang pahigpitin ang kanilang pagtutulungang pang-enerhiya para mapasulong ang seguridad na pang-enerhiya ng Europa at Ukraine.
Ayon sa magkasanib na pahayag, ipinahayag ng Konseho ang pagtanggap sa posibilidad ng pagluluwas ng Amerika ng liquefied natural gas sa Europa. Ipinahayag din nito ang suporta sa balak ng EU at Ukraine sa pagsasagawa ng reporma sa larangang pang-enerhiya.
Kalahok sa nasabing pulong sina John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, Federica Mogherini, Puno sa Patakarang Panlabas ng EU at mga ministro ng enerhiya ng dalawang panig.
Salin: Jade