Ngayong araw, ika-13 ng Disyembre, ay kauna-unahang National Public Memorial Day ng Nanjing Massacre. Alas-10 kaninang umaga, idinaos sa Museong Memoryal ng mga Kababayang Biktima ng Nanjing Massacre ang pambansang seremonya ng pagdambana. Dumalo sa seremonya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, ginunita ni Xi ang alaala ng mga inoseteng biktima ng Nanjing Massacre at digmaang mapanalakay ng hapon, at mga bayani na nagsakripisyo ng buhay sa anti-Japanese war. Aniya, ang seremonyang ito ay para magpakita ng hangarin ng mga mamamayan sa buong tatag na pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at magdeklara ng matatag na paninindigan nila na tandaan ang kasaysayan, di-kalimutan ang nakaraan, pahalagahan ang kapayapaan, at maghawan ng landas tungo sa hinaharap.
Binigyang-diin niyang ang pagdaraos ng seremonya ng pagdambana sa mga biktima ng Nanjing Massacre ay naglalayong makatawag ng pag-asa at paggiit ng mga tao sa kapayapaan, sa halip ng pagpapatuloy ng kapootan. Dapat panatilihin aniya ng mga mamamayang Tsino at Hapones ang pagkakaibigan sa hene-henerasyon, at magkasamang gumawa ng ambag para sa kapayapaan ng sangkatauhan. Dagdag niya, ang lahat ng mga pakikitungo na nagbubulag-bulagan sa kasaysayan ng digmaang mapanalakay, at pananalita na nagpapaganda ng esensya ng digmaang mapanalakay ay nakapinsala sa kapayapaan at katarungan ng sangkatauhan.
Ani Xi, buong tatag na pangangalagaan ng mga mamamayang Tsino ang dakilang usapin ng kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan, at nakahandang bukluran ang mga mamamayan sa iba't ibang bansa para itatag ang isang mundo na may pangmatagalang kapayapaan at komong kasaganaan.
Salin: Vera