Sa Bangkok, Thailand—Dumalo dito kahapon ng umaga, local time, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa ika-5 summit ng kooperasyong pangkabuhayan sa Great Mekong Subregion (GMS), at bumigkas ng talumpati.
Iniharap ni Li ang 3 mungkahi hinggil sa pagpapasulong ng sustenable at mapagbigay na pag-unlad, paghahanap ng bagong lakas-panulak ng paglaki at modelo ng kooperasyon, at pagpapalalim ng relasyon ng Tsina sa 5 bansa sa Indo-China Peninsula: Una, magkakasamang babalakin ang proyekto ng pagtatatag ng komprehensibong network ng transportasyon at kooperasyon ng industriya. Ika-2, lilikhain ang bagong modelo ng kooperasyon sa pangingilak ng pondo. At ika-3, pasusulungin ang sustenable't koordinadong pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga kalahok na lider ng iba' ibang bansa ang naturang mga mungkahi ni Li. Humanga sila sa positibo't konstruktibong papel ng Tsina sa proseso ng kooperasyong pangkabuhayan sa GMS. Nakahanda anilang ibayo pang pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina, para makapaghatid ng mas maraming benebisyo sa mga mamamayan sa rehiyong ito.
Salin: Vera