Sa isang artikulo ng Jakarta Post, ipinahayag ni Maria Lokma, Mataas na Opisyal ng Bangko Sentral ng Indonesya, na kailangang pag-aralan ng Indonesya ang karanasan ng Tsina para mapaunlad ang bangkong sumusuporta sa proyektong pang-imprastruktura.
Ipinalalagay ni Maria Lokma na ang pagkatig ng Joko Widodo sa Asian Infrastructure Investment Bank na pinamumunuang itatag ng Tsina ay isang posibleng plano para malutas ang kakulangan sa pondo ng Indonesya sa imprastruktura. Aniya, ang Asian Infrastructure Investment Bank ay isa pang pagpili ng Indonesya bukod sa International Monetary Fund at Asia Development Bank.
Aniya pa, dapat pag-aralan ng Tsina ang matagumpay na karanasan ng Tsina para malutas ang mga isyu ng kita at krisis ng bangko ng imprastruktura ng bansa sa pamamagitan ng patakaran ng pamahalaan at mga batas at regulasyon.
Salin: Andrea