Pinagtibay kahapon sa ika-12 Sesyon ng Pirmihang Lupon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina(NPC) ang "Tratado hinggil sa Pakikibaka ng Shanghai Cooperation Organization Laban sa Terorismo."
Nakapaloob sa naturang dokumento ang kapaliwanagan sa mga technical term, na gaya ng saklaw ng terorismo at teroristikong aktibidad, istandard ng paglalagay sa isang organisasyon sa listahan ng mga teroristang organisasyon, saklaw at prinsipyo ng pagtupad sa tratado, mga katugong hakbang ng pagpigil sa terorismo, at iba pa.
Nilagdaan ng Tsina, kasama ng mga miyembro ng SCO ang naturang dokumento, noong Hunyo, taong 2009.