|
||||||||
|
||
Nakatakdang idaos ang ika-12 taunang China-ASEAN Expo (CAEXPO) mula ika-18 hanggang ika-21 ng Setyembre ng taong ito, sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog ng Tsina.
Ang tema ng gagawing CAEXPO ay magtatampok sa Maritime Silk Road para sa Ika-21 Siglo, at ito ay magpapasulong sa pag-uugnayang pandagat ng Tsina at mga bansang ASEAN at kanilang kaunlarang pangkabuhayan.
Ito ang ipinatatalastas ni Wang Lei, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng CAEXPO.
Ang Thailand ay magsisilbing Country of Honor sa gaganaping CAEXPO. Samantala, ang Timog Korea naman ay iimbitahan bilang espesyal na bansang panauhin.
Sa magkakasamang pagtataguyod ng Tsina at sampung bansang ASEAN, sinimulang idaos ang taunang CAEXPO noong 2004.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |