Hanggang kahapon, ika-9 na araw ng paghahanap sa bumagsak na Flight QZ 8501 ng AirAsia, tatlumpu't pito (37) bangkay na kabilang sa 162 pasahero at tauhang sakay ng eroplano ang narekober.
Bilang tugon sa pangkagipitang kahilingan ng Indonesia, nagpadala kahapon ang Civil Aviation Administration ng Tsina ng tatlong dalubhasa na may dalang propesyonal na kagamitan para sa paghahanap ng black boxes ng bumagsak na eroplano. Nakatakdang dumating sila ng Pangkalan Bun bukas.
Kasabay nito, ang Ministri ng Transportasyon ng Tsina ay nagpadala rin ng rescue ship na "South Sea Rescue 101" para sa gawain ng paghahanap. Lumisan na ang bapor ng Haikou, Lalawigang Hainan ng Tsina at naka-iskedyul itong dumating ng lugar ng paghahanap sa ika-9 ng buwang ito.
Bumagsak ang QZ 8501 sa Java Sea habang lumilipad ito mula sa Surabaya papuntang Singapore noong ika-28 ng Disyembre, 2014.
Salin: Jade