Ipinahayag kahapon ni Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea na umaasa siyang babalik, sa lalong madaling panahon, ang Hilagang Korea sa platapormang pandiyalogo at pangkooperasyon ng dalawang panig, para isagawa ang substansyal na pagsasanggunian hinggil sa mapayapang unipikasyon ng Korean Peninsula.
Hinimok ni Park ang Hilagang Korea na ipakita ang determinasyon at katapatan sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon.
Bukod dito, ipinahayag din ni Park na dapat isagawa ng kanyang bansa ang mga paghahanda para isakatuparan ang unipikasyon ng Korean Peninsula.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng Ministri ng Unipikasyon ng Timog Korea na nakahanda itong isagawa ang anumang paraan upang maipagtuloy ang diyalogo sa Hilagang Korea hinggil sa lahat ng mga isyu.