Sa news briefing pagkatapos ng pag-uusap kahapon sa London nina Punong Ministro David Cameron ng Britanya at Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya, sinabi ni Merkel na umaasa siyang hhindi titiwalag ang Britanya sa EU. Ito aniya ay para mapanatili ang pagkakaisa at tagumpay ng Europa.
Ipinahayag naman ni Cameron na ikinalulungkot ng kanyang mga mamamayan ang kasalukuyang relasyon ng Britanya at EU. Hinimok niya ang EU na isakatuparan ang reporma para makatugon sa pangmatalagang kapakanan ng dalawang panig.
Bukod dito, tinalakay din nila ang mga isyu na gaya ng reporma ng Unyong Europeo (EU), relasyon ng Britanya at EU, kabuhayang pandaigdig, seguridad at paglaban sa terorismo.
Kaugnay ng pag-atake ng mga terorista sa Punong Himpilan ng Charlie Hebdo sa Paris, kapwa nila ipinahayag ang pagkondena sa insidenteng ito at pagsuporta sa pamahalaan ng Pransya.