Ipinahayag ni Yang Yanyi, Puno ng Delegasyong Diplomatiko ng Tsina sa Unyong Euroepo (EU), na ang relasyong Sino-Europeo ay pumasok sa landas ng mabilis at matatag na pag-unlad at malawak ang prospek ng bilateral na relasyon ng dalawang panig.
Ang taong 2015 ay Ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at EU. Sa kaniyang artikulo na inilabas ngayong araw sa People's Daily, opisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinabi ni Yang na sa taong ito, patuloy na pasusulungin ng Tsina at EU ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng mga aktibidad na gaya ng pagtatagpo ng mga lider ng dalawang panig, at mga diyalogo ng kabuhayan, kalakalan at estratehiya sa mataas na antas.
Sinabi pa niyang patuloy na pasusulungin ng dalawang panig ang konstruksyon ng pamilihan ng Asiya at Europa, multilateral na pagkokoordinahan at pag-uugnayan, at pangangalaga sa pandaigdigang kapayapaan at katatagan, at kaayusang pandaigdig pagkatapos ng World War II para makinabang dito ang buong komunidad ng daigdig.