|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pananangan ng bansa sa mapayapa at ligtas na paggamit ng enerhiyang nuklear.
Bilang paggunita sa ika-60 anibersaryo ng pagsimula ng Tsina sa proyektong nuklear, sinabi ni Pangulong Xi na pasusulungin din ng Tsina ang kakayahan nito sa industriyang nuklear.
Sa kasalukuyan, may 22 operational nuclear power units Tsina at 20.1 milyong kilowatts ang kabuuang generation capacity ng mga ito. Samantala, may 26 na nasa konstruksyon. Kapag naitayo, mag-aambag ang mga ito ng karagdagang 28 milyong kilowatts na capacity.
Noong Enero, 1955, pinasinayaan ng Tsina ang ilang proyektong nuklear. Noong 1964 at 1967, matagumpay na sinubok ng Tsina ang unang atomic bomb at unang hydrogen bomb ayon sa pagkakasunod.
Sapul noong huling dako ng 1970s, ang pokus ng mga proyektong nuklear ay lumilipat sa paggamit na sibilyan. Noong 1991, ang unang nuclear power plant ay sinimulan nang isaoperasyon sa Lalawigang Zhejiang sa dakong silangan ng Tsina.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |