Sa Beirut, kabisera ng Lebanon—Ipinahayag dito kahapon ni Martin Chungong, Pangkalahatang Kalihim ng Inter-Parliamentary Union o IPU, ang pag-asa ng IPU na mas aktibong makikisangkot sa pagsisikap para sa mapayapang paglutas sa krisis ng Syria.
Nang araw ring iyon, nagtagpo si Chungong at ang mga mataas na opisyal ng Lebanon na gaya nina Ispiker Nabih Berri, Punong Ministro Tammam Salam, Ministrong Panlabas Gebran Bassil at iba pa. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa pinakahuling progreso ng krisis ng Syria, paghahanap ng kalutasang pulitikal sa krisis na ito, at iba pang isyu.
Pagkatapos ng naturang pagtatagpo, sinabi sa media ni Chungong na ang kanyang pagdalaw sa Beirut ay naglalayong malaman ang pananaw ng mga lider ng Lebanon sa krisis ng Syria, maging sa isyu ng Gitnang Silangan.
Salin: Vera