Katatapos na talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, nagpalawak ng napagkasunduan
(GMT+08:00) 2015-01-19 09:36:17 CRI
GENEVA, Switzerland—Natapos kahapon ang pinakahuling round ng talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran. Lumahok dito ang Iran at iba pang anim na bansa na kinabibilangan ng Britanya, Tsina, Pransiya, Alemanya, Rusya at Estados Unidos.
Sinabi ni Abbas Araqchi, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Iran, na sa katatapos na talastasan, buong-sikap na pinawi ng mga kalahok na panig ang kanilang pagkakaiba sa masususing isyu. Sinabi naman ni Laurant Fabius, Ministrong Panlabas ng Pransiya, na maganda ang atmospera ng talastasan, pero hindi niya ipinalalagay na natamo nito ang malaking progreso.
Sinabi naman ni Wang Qun, kalahok na Puno ng Departamento sa Arms Control ng Ministring Panlabas ng Tsina na pinalawak ng katatapos na talastasan ang komong palagay ng mga kalahok. Umaasa aniya siyang ang mga may kinalamang bansa ay magbabatay sa narating na komong palagay para marating ang package deal.
Sapul nang magkabisa ang kasunduan sa unang yugto hinggil sa isyung nuklear ng Iran noong Enero, 2014, isang taon na nagtalastasan ang Iran at anim na bansa hinggil sa pinal na kasunduan. Pero, dahil sa pagkakaiba sa mga nukleong isyu na gaya ng uranium enrichment, pagtatayo ng Iran ng pasilidad na nuklear, at superbisyon at pangangasiwa sa isyung nuklear ng Iran, walang natamong bagong bunga ang talastasan. Ayon sa napagkasunduan nila noong Nobyembre, 2014, kailangang kumpletuhin ng Iran at anim na bansa ang seksyong pulitikal ng pinal na komprehensibong kasunduan sa darating na Marso at bago mag-ika-30 ng Hunyo, kailangang lutasin ang lahat ng mga detalye at isyung teknikal para marating ang pinal na komprehensibong kasunduan.
Salin: Jade
May Kinalamang Babasahin
Comments