|
||||||||
|
||
IPINAABOT ni Pope Francis ang kanyang pasasalamat sa mga opisyal ng pamahalaang bumuo ng lahat sa kanyang limang araw na pagdalaw sa Pilipinas.
Ayon kay Papal Nuncio to the Philippine Archbishop Giuseppe Pinto, nagpapasalamat siya sa ngalan ng Santo Papa. Ito ang kanyang binanggit sa isang press conference matapos lumisan si Pope Francis sa Villamor Air Base kaninang ika-sampu ng umaga.
Bago umalis sa Apostolic Nunciature, kinausap ni Pope Francis ang mga kasama sa National Organizing Committee na isa umanong magandang karanasang tumagal lamang ng limang Segundo. Dumalo sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario, Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas, Public Works Secretary Rogelio Singson at Transport Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya. Naroon din sa Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino.
Sa mensaheng ipinadala ni Secretary Abaya, hiniling nila sa Santo Papa na ipagdasal ang bansa kasunod ng kanilang pangakong ipagdarasal din ang lilisang panauhin.
Binasbasan umano sila ni Pope Francis, dagdag pa ni Kalihim Abaya. Nabigyan din sila ng mga rosaryo.
Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines' chief of staff, General Gregorio Pio P. Catapang, Jr. na nararapat ding pasalamatan ang madlang nakipagtulingan sa kanila.
Kung anuman ang leksyong natutuhan sa papal visit coverage, ito ay ang magandang pagsunod sa mga kautusang itinatadhanan ng bantas. Ang uri ng seguridad na ipatutupad ng pamahalaan sa nalalapit Asia Pacific Economic Cooperation sa Nobyembre.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |