Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komento ng mga dalubhasa sa talumpati ni Premyer Li hinggil sa kabuhayan ng Tsina sa WEF

(GMT+08:00) 2015-01-23 09:38:12       CRI

Sa taunang World Economic Forum na idinaraos sa Davos, Switzerland, bumigkas ng talumpati si Premyer Li Keqiang ng Tsina. Sa kanyang keynote speech na pinamagatang "Pangalagaan ang Kapayapaan at Katatagan, Pasulungin ang Reporma sa Estruktura ng Kabuhayan, at Hubugin ang Bagong Lakas na Magpapasulong ng Pambansang Kaunlaran", inilahad ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga isinasagawa at isasagawang patakarang pangkabuhayan ng bansa at paano ito makakatulong sa pag-unlad ng daigdig.

Sinabi ni Premyer Li na sa kasalukuyan, sa halip ng mabilis na paglaki, pumapasok na ang kabuhayan ng Tsina sa katamtamang bilis ng paglaki. Kasabay nito, ang pag-unlad ng bansa ay kailangan ding iangat sa katamtamang taas ng antas, mula sa mababang lebel. Para rito, kailangang buong sikap na pasusulungin ng Tsina ang reporma sa pagbabago ng estruktura ng pambansang kabuhayan. Bukod dito, kailangan ding balansehin ang papel ng pamilihan at pamahalaan.

Sinabi ni Barbra Steiner, Puno ng Departamento ng Pinansiya ng Canton Grisons, kung saan matatagpuan ang Davos, na nakakatulong ang talumpati ni Premyer Li sa mga dayuhan para malaman ang hinggil sa kabuhayan ng Tsina at makakatulong sa pagtutulungan ng Tsina at ibang bansa.

Sinabi naman ni Robert Lawrence, propesor ng Harvard University na napakinggan niya sa talumpati ang resolusyon ng Tsina sa pagpapalalim ng reporma, ang pagpapabuti ng estruktura ng industriya at ang pagpapaibayo ng marketization.

Ipinahayag naman ni Adam Posen, Presidente ng Peterson Institute for International Economics (PIIE), na pinatunayan ng talumpati ni Premyer Li ang paninindigan niya na ang katamtamang taas na paglaki ng kabuhayan ng Tsina ay nangangahulugan ng mas matatag na pundasyong pangkaunlaran ng bansa.

Ipinalagay naman ni Justin Lin Yifu, Dating Punong Ekonomista ng World Bank, na inilahad ni Premyer Li ang mga kondisyon sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng Tsina sa hinaharap at ipinahayag din niya ang paniniwala sa kabuhayan ng Tsina.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>