"Ang terorismo ay hindi kapantay ng Islam at ang mga Muslim ay hindi rin mga terorista." Ito ang ipinahayag kamakalawa ni Ayatollah Sayyed Ali Khamenei, Supreme Leader ng Iran sa isang pampublikong liham sa mga kabataan sa Europa at Hilagang Amerika, matapos maganap ang ilang teroristikong pag-atake sa mga bansang kanluraning kinabibilangan ng Pransya.
Pinuna rin niya sa liham ang mga bansang kanluranin na walang tigil nitong pinapapangit ang imahe ng Muslim World bilang mapanganib na kalaban ng daigdig.