Ipinahayag kahapon sa Havana, kabisera ng Cuba, ni Roberta Jacobson, Asistenteng Kalihim ng Estado ng Amerika na patuloy na isasagawa nila ng Cuba ang diyalogo hinggil sa pagpapanumbalik ng kanilang relasyong diplomatiko.
Inulit din niya ang katapatan ng kanyang bansa sa isyung ito. Samantala, inamin niyang mayroong malaking hidwaan ang dalawang bansa. Sinabi niya na kailangan ng dalawang panig ang mas maraming pagsisikap at oras para lutasin ang mga ito.
Mula ika-21 hanggang ika-22, isinagawa ng dalawang bansa ang pagsasanggunian hinggil sa pagsasakatuparan ng normalisasyon ng kanilang relasyon. Nagpalitan ang mga kalahok na kinatawan ng dalawang bansa ng palagay hinggil sa mga isyu na gaya ng imgration, pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko, at muling pagbubukas ng embahada.