HANOI, Biyetnam--Binuksan kahapon ang dalawang araw na Unang Talastasan hinggil sa Upgrading ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Ito rin ang Ika-anim na Pulong ng Magkasanib na Komite ng CAFTA.
Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa pamumuhunan, pagtutulungang pangkabuhayan, prosidyur ng adwana at pagpapaginhawa sa kalakalan. Ipinasiya rin nilang gaganapin sa Beijing ang Ikalawang Talastasan hinggil sa Upgrading ng CAFTA.
Noong Oktubre, 2013, sa China-ASEAN Summit, iminungkahi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na pasulungin ang upgrading ng CAFTA. Nitong nagdaang Agosto, ipinatalastas ng Tsina at ASEAN ang pagsisimula ng talastasan hinggil dito.
Salin: Jade