Ipinatalastas kahapon ni Abdul Aziz Kaprawi, Pangalawang Ministro ng Komunikayson ng Malaysia, na ang interim report hinggil sa insidente ng pagkawala ng Flight MH370 ay ilalabas sa ika-7 ng darating na Marso.
Winika ito ni Kaprawi sa kanyang pagdalo sa simposyum tungkol sa seguridad ng abiyasyong rehiyonal ng Timog Silangang Asya na ginanap sa Kuala Lumpur.
Noong ika-8 ng Marso ng 2014, nawalan ng kontakt ang Flight MH370 habang lumilipad mula Kuala Lumpur papuntang Beijing. May lulang 239 na pasahero at crew ang eroplanong ito na kinabibilangan ng 154 na Tsino. Pagkaraang maganap ang insidenteng ito, isinagawa ng mga bansang gaya ng Malaysia, Tsina, at Australia ang malawakang search operation, ngunit hanggang sa ngayon, hindi pa nakikita ang nasabing eroplano.
Salin: Li Feng