Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, ipinakilala ang mga bagong pasilidad para sa MICE

(GMT+08:00) 2013-09-04 18:11:28       CRI

Idinaos ngayong araw sa Beijing sa pagtataguyod ng Kagawaran ng Turismo ang pagpapakila sa mga pasilidad sa Pilipinas na maaaring pagdausan ng Meetings, Incentives, Conferences and Exhibitions (MICE).

Sa kanyang pambungad na pananalita sinabi ni Jazmin Esguerra, Tourism Attache na nakatalaga sa Beijing, ang Pilipinas sa kasaluyan ay may masigla at umuunlad na ekonomiya. At nakuha ng bansa ang kauna-unahang investment grade rating mula sa Fitch. Bunsod nito lumaki ang pamumuhunan sa Pilipinas para sa mga proyektong imprastruktura. Sa loob ng 3 taon inaasahang maiaalok ng Maynila ang 25,654 hotel room supply.

Dagdag ni Esguerra, target ng Kagawaran ng Turismo ang maka-akit ng 10 milyong turista hanggang sa taong 2016. Ang pagkakaroon ng mga pasilidad para sa turismo ay makatutulong sa pagpapataas ng tiwala sa Maynila bilang MICE powerhouse sa Asya.

Dumalo sa MICE Mart higit sampung malalaking hotel, resort at tour operators para ipakilala ang kani-kanilang mga serbisyo sa mga potensyal na kliyente mula sa Tsina.

Bukod sa MICE Mart, dumalo rin ang mga delegates ng Pilipinas sa 2013 China Incentive, Business, Travel, Meeting (CIBTM) Exhibition sa Biejing.

Dumalo sa unang pagkakaton sa CIBTM ang Uni Orient Travel Inc. Ayon kay Wilson Techico, Vice President akma ang CIBTM sa target nilang mid at high end market.

Sa kanilang pagdalaw ngayon sa Beijing may mga interesadong kumpanya na kanyang magpabyahe ng 150 turista papunta ng Pilipinas. Dagdag pa ni Techico may mga interesado ding mga study groups na gustong dumalaw sa Pilipinas.

Reporter: Machelle, Ramon, at Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>