Dumating kahapon sa Kuala Lumpur, si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia para sa 3 araw na dalaw pang-estado sa Malaysia. Sa nakatakdang pag-uusap ngayong araw nina Pangulong Widodo at Punong Ministrong Najib Razak ng Malaysia, magpapalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan, export labour service ng Indonesia, at iba pa.
Ito ang kauna-unahang istasyon ng Pangulong Indones sa kanyang biyahe sa mga bansang ASEAN. Ang susunod na istasyon ay Brunei at Pilipinas.