Ipinahayag kahapon ng Alliance of Hong Kong for Peace, Democracy, isang anti-occupy group ng HK ang pag-organisa ng isang pagtitipong may temang "Pangangalaga sa Halalang Demokratiko." Ito ay para matamo ang mas malawak na suporta ng mga taga-Hong Kong sa plano ng pamahalaan na administratibong reporma, at ipaalam ang kanilang mithiin sa pamahalaan ng HKSAR.
Kaugnay nito, ipinahayag ng tagapagsalita ng naturang alyansa na nagkakaisa ang palagay ng mga taga-Hongkong na ang "Occupy Central" ay nakasama, hindi lamang sa kaayusang panlipunan ng HK, kundi maging sa imahe nito sa daigdig. Umaasa aniya siyang babalik sa normal ang kalagayan sa HK, at palalakasin ang kaunlaran ng sistemang administratibo.