Sa kanyang katatapos na pagdalaw sa Malaysia, ipinahayag kamakailan ni Pangulong Joko Widodo (Jokowi) ng Indonesia ang suporta sa mungkahi ng Malaysia na magkaroon ng parehong time zone sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sinabi ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia na ang pagtatakda ng iisang time zone sa ASEAN ay magpapasulong ng pag-uugnayan at pagtutulungan ng mga kasaping bansa ng ASEAN.
Sinabi naman ni Jokowi na ang iisang time zone sa ASEAN ay magsisilbing simbolo ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga kasapi ng organisasyon. Kaya, kailangan aniyang tupdin ng mga bansang ASEAN ang mungkahing ito sa sa lalong madaling panahon.
Salin: Jade