Ipininid kamakailan sa Beijing ang apat na araw na talastasan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa upgrading ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Kabilang sa mga pangunahing paksa ay ang kalakalan sa serbisyo, pamumuhunan, pagtutulungang pangkabuhayan, pagpapaginhawa sa kalakalan at prosidyur sa adwana, rule of origin, kalusugan at kalusugang botanikal.
Malago ang kalakalan ng paninda sa CAFTA sapul nang itatag ito noong 2002. Upang mapasulong ang pamumuhuan at kalakalan sa serbisyo, noong Oktubre, 2013, sa China-ASEAN Summit, iminungkahi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na pasulungin ang upgrading ng CAFTA.
Noong Agosto, 2014, ipinatalastas ng Tsina at ASEAN ang pagsisimula ng talastasan hinggil dito. Ang unang round ng talastasan ay idinaos sa Hanoi, Biyetnam noong Setyembre, 2014.
Salin: Jade