Sa pakikipag-usap kahapon sa telepono sa kanyang Vietnamese counterpart na si Nguyen Phu Trọng, tinukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina(CPC) na nitong 65 taong nakalipas, itinatag ng Tsina at Vietnam ang pangkapatid at pangkapitbansang estratehikong partnership, batay sa tumpak na pamumuno ng dalawang partido at estado at pagtutulungan sa isa't isa. Aniya, sa harap ng masusing yugto ng isinasagawang reporma ng dalawang bansa at masalimuot na kalagayan ng rehiyon at daigdig, inaasahang pahihigpitin ng dalawang bansa ang pagtitiwalaang pampulitka, palalalimin ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, at maayos na hahawakan ang mga nagkakaibang palagay. Dagdag pa niya, ito ay makakatulong hindi lamang sa pangangalaga sa komong interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi rin sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
Sinabi naman ni Nguyen Phu Trọng na nakahanda ang Vietnam na magsikap, kasama ng Tsina para ibayo pang pasulungin ang pangkapatid na estratehikong partnership ng dalawang bansa, batay sa pagpapasulong ng pagtitiwalaang pampulitika, pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan, pagpapalakas ng pagpapalitan ng tauhan at iba pa.
Ipinadala rin ng dalawang lider ang pagbati sa nalalapit na pagdating ng Kapistahang Tagsibol ng taong 2015.