Sinabi kahapon ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang "model zones for exporters" ng bansa ay nababatay sa alituntunin ng World Trade Organization (WTO).
Bilang tugon sa alegasyon ng Amerika na inihain sa WTO hinggil sa di-makatwirang subsidy ng Tsina sa model zones, sinabi ng nasabing ministring Tsino na ang layunin ng pagtatatag ng nasabing mga sona ay para baguhin ang pamamaraan ng pagpapasulong ng malusog na kalakalang panlabas ng bansa.
Ipinahayag ng Tsina ang kalungkutan sa alegasyon ng Amerika. Ipinagdiinan nitong lulutasin ang isyung ito batay sa dispute settlement system ng WTO.
Salin: Jade