Ayon sa press communiqué na ipinalabas kagabi ng Komisyon ng Impormasyon ng Pamahalaan ng Myanmar, isasagawa ng pamahalaan at tropa ng Myanmar ang kinakailangang hakbangin, para mapanumbalik ang katatagan at kaligtasan ng rehiyon ng Kokang.
Anang komunike, ang mga armadong aksyon ng mga armadong organisasyon ng Kokang at ibang rehiyon ng Kokang ay nakaapekto sa kaligtasan at katatagan ng lokalidad, isinasagawa ng tropa ng bansa ang aksyong militar sa naturang mga armadong organisasyon.
Ayon sa ulat ng media ng Myanmar nauna rito, mula noong ika-9 hanggang ika-12 ng buwang ito, naganap sa rehiyon ng Kokang ang 13 labanan sa pagitan ng tropang pampamahalaan at Kokang National Democratic Alliance Army. 47 katao ng tropang pampamahalaan ang namatay dito, at 73 iba pa ang nasugatan.
Salin: Vera