Ayon sa sirkular ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaan ng Lincang, Lalawigang Yunnan ng Tsina, sapul nang maganap ang armadong sagupaan sa rehiyon ng Kokang ng Myanmar na nasa hanggahan ng Lincang noong ika-9 ng buwang ito, mahigit 30 libong person-time na mamamayan ng Myanmar ang pumasok at lumabas ng hanggahan ng Tsina. Batay sa makataong diwa, binigyan ng panig Tsino ng kinakailangang tulong at maayos na akomodasyon ang mga mamamayan ng Myanmar na pumasok sa Tsina. Ipinagkaloob din sa kanila ang tulong sa mga aspektong gaya ng pagkain, medikal, kalusugan, pagpigil sa epidemiya at iba pa.
Pagkaganap ng sagupaan, komprehensibong pinalakas ng pamahalaang lokal ng Yunnan ang pamamatrolya sa purok-hanggahan. Sa kasalukuyan, nananatiling matatag sa kabuuan ang purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar.
Salin: Vera