|
||||||||
|
||
Lumagda kahapon si Pangulong Thein Sein ng Myanmar ng kautusang pampanguluhan na nagdeklara ng 90 araw na state of emergency sa Kokang at pagpapatupad ng martial law sa rehiyong ito.
Ayon sa naturang kautusan, ito'y para pangalagaan ang kaligtasan at ari-arian ng mga mamamayang lokal.
Mula ika-9 hanggang ika-12 ng buwang ito, ang sagupaan sa pagitan ng tropang pampamahalaan at Kokang National Democratic Alliance Army ay nagdulot ng pagkamatay ng 75 at pagkasugat ng 73.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |