Ipinahayag kahapon ni Vladimir Putin ng Rusya na hindi sisiklab ang digmaan sa pagitan ng kanyang bansa at Ukraine.
Sinabi ito ni Putin sa panayam sa All-Russia State Television and Radio Broadcasting Company (VGTRK). Ipinagdiinan niyang hindi kailanman magaganap ang kalamidad na tulad ng pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine.
Idinagdag niyang dapat tupdin ng mga may kinalamang panig ang Bagong Kasunduan ng Minsk na nilagdaan ng Ukraine, Rusya at Organization for Security and Cooperation in Europe (OSCE). Ito aniya ang siyang tanging mabisang paraan para muling matamo ang katatagan sa situwasyon ng Ukraine. Sinabi pa niyang ang nasabing bagong kasunduan ay binalangkas ng mga lider ng apat na bansa na kinabibilangan ng Rusya, Alemanya, Pransya at Ukraine, at mayroon din itong katayuan ng batas na pandaigdig.
Salin: Jade