|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine ang kanyang suporta sa pagpapadala ng Uniyong Europeo (EU) ng mga pulis na pamayapa sa kanyang bansa.
Ipinahayag ang nasabing kapasiyahan ni Poroshenko sa magkasanib na preskon makaraang makipag-usap siya kay Johannes Hahn, EU Commissioner sa Neighborhood Policy at Enlargement.
Idinagdag din ni Poroshenko na kailangang magpadala ang EU ng mga pulis na pamayapa sa ilalim ng awtorisasyon ng United Nations (UN).
Ipinagdiinan niyang ang pagtatalaga ng ganitong puwersang pamayapa ay kailangang kailangan para maigarantiya ang kapayapaan ng Silangang Ukraine.
Ipinahayag naman ni Sergey Naryshkin, Puno ng Duma ng Rusya na hindi mababasa sa bagong kasunduan ng Minsk ang tadhana hinggil sa pagpapadala ng tauhang pamayapan sa silangang Ukraine, kaya mapapapinsala sa kasunduang ito ang desisyon ng Ukraine.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |