Binigyan kahapon ng Tsina at Timog Korea (ROK) ng paunang-lagda ang Kasunduan sa Malayang Kalakalan (FTA) ng dalawang bansa. Ipinakita nito ang pagtapos ng kanilang talastasan sa FTA.
Ipinahayag ito kagabi ng Ministri ng Komersyo ng Tsina sa website nito.
Ang Kasunduan ay sumasaklaw sa 17 aspekto na kinabibilangan ng kalakalan sa paninda, kalakalan sa serbisyo, pamumuhunan, alituntunin sa kalakalan, e-commerce at government procurement
Nagsimula ang nasabing talastasan noong Mayo, 2012.
Salin: Jade